Ginebra, Barako sumosyo sa liderato

MANILA, Philippines - fTinalo ng Barangay Ginebra ang Rain or Shine, 97-84, samantalang nilusutan ng Barako Bull ang Alaska, 97-93 na nagresulta sa three-way-tie sa liderato ng 2013-2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Gin Kings at ng Energy para makasalo sa unahan ang Petron Blaze Boosters.

Umiskor si 2012 PBA Most Valuable Player Mark Caguioa ng 22 points, 4 rebounds at 3 assists matapos magtala ng 2 markers sa unang panalo ng Ginebra.

“Nanalo kami dahil maganda ang start namin,” sabi ni head coach Ato Agustin. “Iyong energy, ‘yung hustle, ‘yung team effort nandun.”

Sa likod nina Caguioa, Japeth Aguilar at rookie James Forrester, nakalayo ang Ginebra sa 84-66 sa huling anim na minuto sa fourth quarter.

Bago ito ay nagkaroon muna ng komprontasyon sina Gin Kings center Jay-R Reyes at Beau Belga ng Rain or Shine nang hatawin sa mukha ang una sa hu-ling 1:08 minuto ng third quarter.

Umiskor naman ng 27 points si Ronjay Buenafe para sa tagumpay ng Energy kasunod ang 12 ni Mark Isip para ipalasap sa Aces ang ika-2 talo sa 3 laro.

Tumipa si Buenafe ng isang pilipit na tira para sa 95-93 abante ng Energy sa natitirang 33.7 segundo kasunod ang isang free throw ni JC Intal matapos tu-malbog na tangkang tres ni Aldrech Ramos sa po-sesyon ng Aces.

Pinamunuan ni Cyrus Baguio ang Alaska sa kanyang 20 points, habang may 16 si Sonny Thoss, 15 si Gabby Espinas at 12 si JVee Casio.

 

Show comments