Premyong P4.1M sa MARHO Breeders' Cup

MANILA, Philippines - May kabuuang P4.1 mil­yon ang paglalabanang prem­yo sa anim na malala­king stakes races na magpapakinang sa 18th MARHO Breeders’ Cup ngayong ha­pon sa Santa Ana Park, Na­ic, Cavite.

Nasa 15 races ang matu­tunghayan sa maghapon at ang siyam na iba pang ra­ces ay mga trophy races na si­nahugan ng P140,000.00 added prize sa mananalong ka­bayo.

Bilang pagtulong din sa mga nasalanta ng bagyong 'Yolanda' sa Kabisayaan, ang MARHO ay mag­bi­bi­gay ng P2.1 milyon tulong sa mga biktima na ibabawas sa mga premyong pag­lalabanan.

Halagang P20,000.00 ang kaltas sa premyo sa anim na stakes races, habang P10,000.00 ang sa na­lalabing tro­phy races.

Tampok na karerang pag­lalabanan ay ang San Mi­guel Beer-MARHO Cup Classics na inilagay sa 2,000-metro na may P1.5 mil­yong gantimpala at ang ma­nana­lo ay magka­kamit ng P830,000.00 premyo.

Ang atensyon ay tiyak na itutuon sa 2012 Horse of the Year na Hagdang Bato na gagabayan pa rin ni Jo­na­than Her­nandez.

Ito ang ikaapat na takbo lamang ng kabayo at ang hu­­ling pa­nalo ay naitala sa PCSO Silver Cup noong Hunyo 30 sa nasabing race track.

 

Show comments