Howard pinagmulta ng $25K

DALLAS  -- Pinagmulta si Houston center Dwight Howard ng $25,000 matapos ibato ang bola sa  huling bahagi ng pagkatalo ng Rockets sa Dallas.

Inihagis ni Howard ng bola nang pabalik na ito ng court kaya natawagan ito ng technical foul sa huling 2:54 minuto ng laro noong Miyerkules.

Inihayag ng NBA ang parusa noong Huwebes.

Lamang ang Rockets sa 116-111 at naipasok ni Dirk Nowitzki ang free throw para makalapit ang Dallas sa apat na puntos na lamang.

Ang Mavericks na naghahabol ng 18 sa third quarter, ay gumawa ng 9-1 run tungo sa kanilang 123-120 come-from-behind win. Nagtala si Howard ng season-high 33 points at 11 rebounds.

Show comments