MANILA, Philippines - Naghatid ng saya ang kabayong Joy Joy Joy nang manalo ito bilang dehado noong Miyerkules ng gabi sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Apat na kabayo ang sabay-sabay na dumarating sa meta pero may tikas pa ang kabayong sakay ni JPA Guce para manalo laban sa rume-remate ring Ma’am Mika na hawak ni JA Guce.
Sa class division 1 na pinaglabanan sa 1,200-metro distansya ang karera at nasayang ang maagang paglayo ng Hello Hello ni CM Pilapil dahil naglakad na ito sa rekta at tumapos lamang sa pangatlong puwesto.
Naghatid ang win ng P44.00 habang ang 2-3 forecast ay nagpasok pa ng P222.00 dibidendo.
Samantala, binawian naman ng Kimagure ang Santorini nang makatapat uli sa special handicap race.
Tulad sa huling labanan, agad na nakauna ang Kimagure pero nakumpleto niya ang ma-lakas na pag-alis para manalo ng limang dipa.
Si LT Cuadra ang sakay ng Kimagure na tumakbo ng mas magaan ng isang kilo sa Santorini ni Mark Alvarez na pinatawan ng 58 kilos handicap weight.
May P8.50 ang ibinigay sa win habang ang kumbinasyon ng mga kabayong paborito sa taÂgiÂsan sa 1,200-metro ay naghatid ng P9.00 sa 5-4 forecast.
Si Jonathan HernanÂdez ang sakay ng John’s Memory sa special class diÂvision at inilaÂgay ng tamÂbalan sa pangaÂlawang puwesto ang MaÂÂdam Theresa sa pagdiskarte ni Roderick Hipolito.