Allen suspindido

NEW YORK – Sinuspindi ng NBA si Grizzlies guard Tony Allen  ng one game without pay matapos sipain si Los Angeles Clippers guard Chris Paul sa mukha, ayon kay Rod Thorn, ang NBA president of basketball operations nitong Martes.

Binigyan si Allen ng flagrant 2 foul at napatalsik sa laro nang tumama ang paa niya sa mukha ni Paul, may 1:51  minuto pa ang natitira sa first quarter sa panalo ng Memphis kontra sa Clippers, 106-102 noong Lunes ng gabi sa Los Angeles.

 

Show comments