Barako ‘di nagkamali

MANILA, Philippines - Hindi nagkamali ang Barako Bull sa kanilang desisyon na kumuha ng mga beteranong players nang magtulung-tulong ang mga ito para sa 88-75 pananaig sa Air21 Express sa PLDT myDSL-PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Si Mark Isip ay mayroong 16 puntos habang ang 12 iba pang manlalaro na ginamit ni coach Bong Ramos ay gumawa rin para makasalo ang Energy Cola sa liderato sa liga.

“Plano talaga namin is to get tried and tested players. They want to play and prove themselves,” wika ni Ramos na nabalik sa kanyang dating puwesto matapos bitiwan ang Serbian coach na si Rajko Toroman.

Hindi inakala na ganito ang ipakikitang laro ng Energy Cola dahil tatlong first round picks ang kanilang ibinigay kapalit ng mga beterano habang pinakawalan na rin ng koponan si Danny Seigle.

Lumalabas na pito ang baguhan sa koponan pero hindi naramdaman ito dahil may 18 assists ang Energy Cola sa labanan.

Si Isip ay naunang nakipagtulungan kina Ronjay Buenafe at Dennis Miranda para bigyan ang koponan ng 22-17 kalamangan sa unang yugto.

Matapos ito, ang so-phomore na sina Keith Jensen at JC Intal  na ang nagpani-ngas sa mahahabang runs sa ikalawa at ikatlong yugto upang ibaon ang Express.

May dalawang tres at 8 puntos si Jensen sa second period upang lumobo sa 18, 44-26, ang kanilang bentahe sa halftime.

Nag-init naman si Intal sa pagbubukas ng ikatlong yugto at gumawa siya ng dalawang 3-pointers at isang three-point play para ikasa ang pinakama-laking kalamangan sa laro na 33 puntos, 63-30.

“This team works hard and pushes themselves. Hopefully we continue to upset more teams,” dagdag ni Ramos.

Show comments