MANILA, Philippines - Walang itulak-kabigin sa mga koponang maglalaban-laban sa SBP-Passerelle National Finals na lalarga sa Nobyembre 23 sa University of the Assumption sa San Fernando, Pampanga.
Ang dalawang araw na kompetisyon ay katatampukan ng mga koponang nagkampeon sa NCR, Luzon, Visayas at Mindanao eliminations.
Ang mga kasali sa SBP (11-under) ay nagdedepensang kampeon La Salle Greenhills (NCR), Berkeley School (Luzon), University of St. La Salle Integrated School (Visayas) at Ateneo de Davao (Mindanao) habang ang magbabakbakan sa Passerelle (12-14) ay ang Chiang Kai Shek College (NCR), Angeles University Foundation (Luzon), University of San Carlos (Visayas) at Ateneo de Davao (Mindanao).
“All competing teams are very good and there are no clear favorites as far as winning the titles is concerned,†wika ni Milo BEST Founder Nic Jorge na sinamahan ng kanyang maybahay at EVP Marilyn at Milo Sports Executive Robbie de Vera na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.
Ito ang ika-25th taon na magkatuwang ang BEST at Milo at ipinagmalaki pa ni De Vera na malaki ang papel ng programa ni Jorge sa paghubog sa kabataan na itinutulak ng kanilang kumpanya.
“At the heart of sports development in the Philippines is quality education for all aspiring athletes,†dagdag ni De Vera.
Ang opening ceremony ay gagawin sa Sabado sa ganap na ika-7:30 ng umaga at nangunguna sa mga bisita ang mga Milo BEST graduates na sina Kiefer at Thirdy Ravena.