James at Wade nagbida sa panalo ng Heat laban sa Mavericks

MIAMI -- Nag­­tuwang sina LeBron James at Dwyane Wade para ipanalo ang two-time champions na Mia­mi Heat.

Naglista si James ng 39, habang nagposte si Wade ng 17 markers at ca­reer-best na 8 steals at 8 assists pa­ra igiya ang Heat sa 110-104 panalo kontra sa Dallas Mavericks.

“You give me 37 shots in a game, I’ll have 60, 70,” wika ni James. “I had 40 tonight on 18 shots. If I get 37 shots in a game, I’m going to put up 60. Easy.”

Hindi pa nakakaiskor si James ng 38 points mula sa kanyang 18 shots.

Si Wade naman ang na­ging ikalawang player sa kasaysayan ng Heat na nag­poste ng eight-assist, eight-steal game matapos si Tim Hardaway.

Nagdagdag si Chris Bosh ng 14 points, habang may tig-11 sina Norris Cole at Rashard Lewis para sa Mia­mi.

Naglista si Dirk No­witz­ki ng 28 points para sa Dallas (5-4) kasunod ang 21 ni Vince Carter at 20 ni Monta Ellis.

Nag-ambag si Jose Cal­deron ng 12 markers para sa Dallas na nakagawa ng 24 turnovers.

“Our effort was good,” wika ni Mavericks coach Rick Carlisle. “The turnovers doomed us.”

Lumamang ang Miami ng 13 points sa second half at naglaro sa huling 5:01 ng fourth quarter na wala si point guard Mario Chal­mers.

Pinatalsik siya sa laro nang masiko niya sa ulo si No­witzki sa kanyang pag­laban sa screen ni Samuel Dalembert ng Mavericks.

Sa Indianapolis, kumo­lekta si center Roy Hibbert ng mga season-high na 24 points at 8 blocks bukod pa sa 10 rebounds para bande­rahan ang Indiana Pacers sa Milwaukee Bucks, 104-77.

Sa Toronto, naglaro ang Chicago Bulls na wala si Derrick Rose ngunit naga­wa pa ring talunin ang Raptors, 96-80.

Tumipa si Luol Deng ng 19 points, habang hu­ma­kot si center Joakim Noah ng season-high na 18 points.

Sa Salt Lake City,  hu­mu­got si Tony Parker ng 14 sa kanyang 22 points sa fourth quarter para igiya ang San Antonio Spurs sa 91-82 panalo kontra sa Utah Jazz.

 

Show comments