Barnes humingi ng paumanhin dahil sa kanyang mga twitter post

LOS ANGELES -- Humingi ng paumanhin si Matt Barnes sa kanyang mga Los Angeles Clippers teammates at coaches dahil sa pagkakatalsik niya sa laro at pagmumura sa kanyang Twitter account.

Napatalsik si Barnes, kasama si Oklahoma City forward Serge Ibaka, habang natawagan si Blake Griffin ng Clippers ng technical foul ukol sa kanilang rambulan sa huling anim na segundo ng second quarter sa kanilang laro noong Miyerkules..

Tinangka ni Griffin na itaas ang bola at ang kanyang mga braso ay nabuhol kay Ibaka.

Itinulak ni Barnes si Ibaka sa dibdib at hindi naman napigilan si Griffin sa pagsugod kay Ibaka.

Matapos ang kanyang pagkakatalsik sa laro, nagpahayag si Barnes ng isang nakakapanirang tweet na nagsimula sa “I love my teammates like family,’’ at nagsabing ang pagdedepensa sa kanyang mga kakampi ay kailangan niyang pagbayaran ng malaki.

Pinagmulta si Barnes ng $25,000 ng NBA.

“I was completely wrong for pushing Ibaka & then for what I tweeted following the altercation,’’ sabi ni Barnes sa kanyang Twitter account. “My poor choice of words & timing do not reflect who or what I am about.”

 

Show comments