Magkakaalaman na

FINALS(best-of-3)

Laro NGAYON

(Mall of Asia Arena,

Pasay City)

2:30 pm - Letran vs San Beda (Game 3, Seniors)

 

MANILA, Philippines - Sa huling pagkakataon sa 89th NCAA men’s basketball ay magtutuos uli ang San Beda at Letran at ang mananalo ang siyang kikilalaning hari ng pinakamatandang collegiate league sa bansa.

Ang Mall of Asia Arena sa Pasay City ang lugar ng pagdarausan ng deci-ding Game Three at ito ay magsisimula sa ganap na ika-2:30 ng hapon.

Nakauna ang three-time defending champion Red Lions, 80-68, pero tumabla ang Knights sa ikalawang tagisan noong Huwebes, 79-74.

Ito ang ikalawang sunod na nagharap sa finals ang dalawang koponan at nauwi rin sa Game Three ang tagisan noong nakaraang taon at ang Lions ay nagdomina sa 67-39 iskor.

“It’s anybody’s ballgame,” wika ni Knights first year coach Caloy Garcia. “The team that comes out with the right frame of mind will win.”

Umaasa si Garcia na ang karanasan ng mga beteranong sina Mark Cruz, Raymond Almazan, Kevin Racal at Jonathan Belorio noong  nakaraang taon ay lalabas para magtagumpay sa pagkakataong ito ang koponan.

Kung magkakampeon ang Letran ay papantayan nila uli ang San Beda sa paramihan ng titulo na naiuwi  sa tig-17.

“They still have to beat us one more time,” wika naman ni Lions coach Boyet Fernandez. “I don’t think my boys will allow that to happen again.”

Tulad sa naunang da-lawang laro, ang bench uli ang may malaking papel para manalo ang alinman sa San Beda at Letran.

Pero sa ganitong sudden-death, tiyak na ang mga beterano ang tunay na sasandalan lalo pa’t puno ng pressure ang tagisan.

Si Cruz ang pinaka-consistent para sa Knights sa ibinibigay na 18 puntos kada-laro pero kaila-ngang bumuhos sa pagla-laro ang MVP ng liga na si Almazan.

Sa kabilang banda, ang mga beterano namang sina Baser Amer at Ola Adeogun ang mga aasahan ni Fernandez para makatikim ng kanyang kauna-unahang kampeo-nato sa NCAA.

Show comments