PLDT, TMS nalo sa PSL

TEAM    W            L

Cagayan Valley  1              0

PLDT      1              0

TMS-PA                1              0

Cignal    0              1

Petron  0              1

RC Cola 0             1

 

Laro SA Biyernes

(The Arena, San Juan)

2 p.m. -- Cagayan

vs TMS (Womens)

4 p.m. -- Cignal vs Petron (Womens)

6 p.m. -- Systema vs Maybank

 

MANILA, Philippines - Lakas ng mga US imports ang ginamit ng PLDT habang ang pagiging bete-rano ang ipinamalas ng nagdedepensang kampeong  TMS-Philippine Army para manalo sa kanilang hiwalay na laro sa Philippine Super Liga Grand Prix kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Lutang ang lakas nina NCAA Division I players Savannah Noyes at Kaylee Manns  tungo sa 25-19, 21-25, 25-21, 25-14, panalo sa Cignal habang sina Jovelyn Gonzaga, Jacqueline Alarca at Rachel Daquis ang gumawa sa huling dalawang sets para sa 19-25, 25-15, 25-21, 25-16, panalo ng Lady Troopers sa RC Cola.

Samantala, may 16 puntos si Gonzaga at nakipagtambalan siya kina Alarca at Daquis sa third set na kanilang dinomina para makumpleto ang pagbangon matapos matalo sa RC Cola sa unang set.

Magkasunod na aces ni Alarca ang nakatulong para maisantabi ng Lady Troopers ang 14-16 iskor at manalo sa 25-21. (AT)

Show comments