MANILA, Philippines - Nagkakaisa ang mga miyembro ng PBA Board of Governors na ang Barangay Ginebra, San Mig Coffee at three-time champions Talk ‘N Text ang top three teams para sa darating na 2013-2014 PBA Philippine Cup.
Ito ang sinabi nina PBA chairman Ramon Segismundo ng Meralco, Robert Non ng Ginebra, Rene Pardo ng San Mig Coffee, Richard Bachmann ng Alaska, Lito Alvarez ng Air21, Manny Alvarez ng Barako Bull, Eric Arejola ng Globalport, Mamerto Mondragon ng Rain or Shine at Patrick Gregorio ng Talk ‘N Text kahapon sa press conference para sa 39th season ng PBA na magsisimula sa Linggo sa tatlong magkakahiwalay na lungsod.
“Hindi ko alam kung ano ang susundin ko, kung isip ko o ang puso ko,†wika ni Segismundo. “Kung ‘yung isip ko sabihin ko Ginebra, kung ang puso ko ay Meralco at ang pangatlo ko Barako Bull kasi kaibigan ko si Manny (Alvarez).â€
Ipaparada ng Gin Kings sina seven-foot rookie Greg Slaughter at James Forrester, Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand, LA Tenorio, Billy Mamaril, Japeth Aguilar, Mac Baracael, Chris Ellis, Dylan Ababou, Emman Monfort, Josh Urbiz-tondo, Bryan Faundo at Jay-R Reyes.
“Kung papipiliin ako ng tatlong teams na talagang manalo, ang pipiliin ko ay Petron, San Mig and Ginebra,†wika ni Mondragon. “Pero ang dark horse ko is Rain or Shine.â€
“Lahat naman ng teams lumakas eh,†sabi ni Non. “Ang Barako Bull lumakas. Kapag ti-tingnan mo ‘yung line up nila baka talunin pa ang Ginebra.â€
Ang Gin Kings din ang nasa unahan sa listahan ni Gregorio, habang itinuring na ‘dark horse’ ang kanilang Tropang Texters.
“Ang Ginebra and Pet-ron, parehong matibay talaga iyan,†ani Gregorio. “Petron because of June Mar (Fajardo). Si June Mar ngayon ang sukatan ng mga sentro eh.â€
Inaasahan naman ni Pardo na kasama sa top three teams ang Mixers matapos magkampeon sa nakaraang 2013 PBA Governors’ Cup.
“In the two years that he has been with us, he gave us two championships,†sabi ni Pardo kay head coach Tim Cone. “Na-eliminate lang kami sa isang conference pero palagi kaming nasa semifinals.â€
Muling ipaparada ng San Mig Coffee sina two-time PBA Most Valuable Player James Yap, Marc Pingris, Joe Devance, PJ Simon, Alex Mallari, Mark Barroca, Yancy De Ocampo, Rafi Reavies at rookies na sina Ian Sangalang, Justin Melton, Isaac Holstein at JR Cawaling. (RC)