MANILA, Philippines - Nakapanilat ang konÂdisyong Ingitero sa nangyaring pista noong Lunes sa MetroTurf sa Malvar, BaÂtangas.
Si JE Apellido ang hinete ng kabayong binigyan ng handicap weight na 56 kilos at tumakbo sa 3YO Handicap race three.
Nagkasukatan sa reÂmaÂtehan ang Ingitero at Mi Esperanza na ginabaÂyan ni Pat Dilema at mayroon ding 56-kilos pero hanÂda sa labanan ang una para manalo ng halos daÂlaÂwang dipang agwat.
Ang Ingitero, puÂmaÂngalawa noong SetÂyemÂbre 14 sa San Lazaro LeiÂsure Park sa Carmona, CaÂvite, ang lumabas bilang longshot na kabayo sa pagbubukas ng isang linggong pista.
Nagpasok ang win ng P80.50, habang ang 2-1 sa forecast ay may P69.00 diÂbidendo.
Ang mga liyamadong kabayo na kuminang ay ang Furniture King at ang CaÂÂraÂmel sa races six at seÂven.
Nakasabayan ng FurÂniÂture King na hawak ni JB Guce ang Big Boy ViÂto na sinakyan ni Rodeo FerÂÂnanÂdez.
Halos sabay tumawid ang dalawang kabayo peÂro idineklarang panaÂlo ang Furniture King.
Balik-taya (P5.00) ang nangyari sa forecast sa FurÂniture King, habang P18.00 ang dibidendo sa 2-4 forecast sa 3YO hanÂdiÂcap race na pinaglabaÂnan sa 1,400-metro disÂtanÂsya.
Ang win ay may P5.00 balik, samantalang P13.00 ang ibinigay sa 5-2 forecast.