Two-division PSL hahataw ngayon

LARO NGAYON

(The Arena, San Juan)

2 p.m. Petron vs Cagayan (women’s)

4 p.m. PLDT-MyDSL vs Systema (men’s)

 

MANILA, Philippines - Bubuksan ngayon ang two-division Philippine Su­per Liga (PSL) Grand Prix sa The Arena sa San Juan tampok ang pagsisi­mula ng men’s tournament at 12 foreign players sa women’s division.

Si actor/sportsman Ri­chard Gomez ang babandera sa PLDT-MyDSL na haharap sa Systema sa ganap na alas-4 ng hapon sa men’s division matapos ang banggaan ng Petron at Cagayan sa alas-2 sa wo­men’s side.

Sinabi ni PSL president Ramon ‘Tats’ Suzara na ang pagkakaroon ng men’s division ang mag­pa­palakas sa semi-professional volleyball league.

“This is the realization of our vision a few months ago,” ani Suzara. “We’re just so glad that we have started to promote gender equality in this league.”

Makakatapat din ng Speed Boosters ang Maybank, Systema at Gilligan’s Restaurant, habang nasa women’s side naman ang Petron, Cagayan, Cignal, PLDT, newcomer RC Cola at nagdedepensang TMS-Army.

Kinuha ng Lady Troo­pers sina Yuki Murakoshi ng Japan at Wanitchaya Luangtonglang ng Thailand at hinugot ng Raiders si­na Zhang Minghua ng Chi­na at Sontaya Keaw­bun­dit ng Thailand.

Ipaparada ng Lady Ri­sing Suns sina Thai spi­kers Patcharee Saengmu­ang at Wanida Kotruang, ha­bang kinuha ng Blaze Spikers sina Misao Tanya­ma at Shinako Tanaka ng Japan.

 

Show comments