Lumabas ang bangis ng Castle Cat

MANILA, Philippines - Nakita ang bangis ng Castle Cat matapos mapanalunan ang 2YO Maiden Race na pinaglabanan noong Huwebes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Si Christian Garganta ang hinete ng kabayo na natalo sa Biseng Bise sa huling takbo para malagay lamang bilang second choice sa 11 naglaban.

Sa back stretch nagsimulang mag-init ang Castle Cat habang bumigay ang Mamang Sorbetero at Senorita Rita.

Rumemate na rin ang Tiger Queen upang tatlong kabayo ang naglaban sa rekta.

 Pero hindi natinag ang Castle Cat at humataw  papasok sa huling 200-metro para makapagtala ng halos tatlong dipang panalo.

Balikatan ang Tiger Queen at Surplus King para sa ikalawang puwesto na napanalunan ng huli sa pagdadala ni Mark Alvarez.

Napaganda pa ang panalo sa mga tumangkilik sa Castle Cat dahil nasa P30.50 pa ang ibinigay sa win habang ang forecast na 5-10 ay nagpasok pa ng P33.00 dibidendo.

Tinapos din ang Pinoy Worldclass ang ilang di magandang pagtatapos nang pangatawanan ang pagiging patok sa 3YO Handicap Race (1) sa 1,400-meter race.

Show comments