MANILA, Philippines - Anuman ang ma-ging desisyon ni Globalport team owner Mikee Romero ay igagalang ni head coach Junel Baculi.
Sinabi kahapon ni Baculi na hindi niya hahadlangan ang layunin ni
Romero na palitan siya bilang coach para sa pagpapalakas sa Batang Pier bilang paghahanda sa darating na 39th season ng PBA.
“I won’t mind; professional naman tayo eh,†wika ni Baculi. “Pero as long as hindi pa tayo sina-sabihan ni boss Mikee, I will continue to do my job.â€
Nalaman ni Baculi sa social media na naghaha-nap si Romeo ng kanyang makakapalit sa bench ng Globalport.
Ayon kay Baculi, walang sinasabi sa kanya si Romero na bilang na ang araw niya sa bench ng Batang Pier.
Sinasabing nasa listahan ni Romero sina Nash at Olsen Racela, si Alaska Milk assistant Alex Compton at Air21 mentor Franz Pumaren.
Si Olsen ay dating coach ng Petron Blaze at ngayon ay assistant ni Tim Cone sa San Mig Coffee, habang si Nash, ang head coach ng Far Eastern University sa UAAP, ay assistant ni Norman Black sa Talk ‘N Text.
Ang American na si Compton, lumaki sa Pilipinas at marunong magsalita ng tuwid na Filipino, ang posibleng kunin ni Romero para sa Batang Pier, tumapos na pang-lima sa nakaraang 2013 PBA Governors’ Cup na pinagharian ng Mixers.
Kasalukuyang may 17 players ang Globalport kasama sina draftees Terrence Romeo, RR Garcia, Niko Salva, Jopher Custodio at LA Revilla bukod pa sa mga bagong hugot na sina rookie center Justin Chua, Rico Villanueva, Eric Menk at Leo Najorda.
Nasa bakuran pa rin ng Batang Pier sina Sol Mercado, Jay Washington, Kelly Nabong, Jondan Salvador, Marvin Hayes, Mark Yee, Rudy Lingganay at Jaypee Belencion.