Special Incentive Race pakakawalan ngayon

MANILA, Philippines - Siyam na kabayo pero walo ang opisyal na bilang ang magtatagisan sa 2013 Philracom Special Incentive Race for 2YO ngayong hapon sa Santa Ana Park sa Na­ic, Cavite.

Ang mga maglalaban-laban sa karerang inilagay sa 1,200-metro distansya ay ang Baby Smartie (JB Bacaycay),  Big Deal (RO Niu Jr.), Con Te Partiro (Val Di­lema), Jazz Goldheart (JPA Guce), Kulit Bulilit (CV Garganta), Red Flash (P Dilema) at Royal Jester (DH Borbe Jr.), Sweet Daddy’s Girl (JB Cordero) at Tobruk (JV Ponce).

An karerang ito ay itinataguyod ng Philippine Ra­cing Commission at sinahugan ng P500,000.00 prem­yo at ang mananalo ay maghahatid ng P300,000.00 unang gantimpala sa kanyang horse owner.

May P112,500.00 ang papangalawa, P62,500.00 ang papangatlo at P25,000.00 ang papang-apat.

May P15,000.00 premyo ang breeder ng mananalong ka­bayo.

Ang Kulit Bulilit, Jazz Goldheart at coupled entries Red Flash at Royal Jester ay gagabayan ng mga ba­gong hinete.

Ang Kulit Bulilit na pumang-apat sa isang 2YO Mai­den race noong Oktubre 10 sa pagdadala ni R. Tablizo ay gagabayan nga­yon ni Garganta.

Sa kabilang banda, si Gu­ce ang hinete ng Jazz Gold­heart na pumang-apat sa isang 2YO Mai­den race sa pagdadala  ni R. Tablizo habang ang Red Flash at Royal Jester na sasakyan ngayon nina Di­lema at Borbe mula kina RR Camañero at Tablizo.

Ang Jazz Goldheart ay lalabas na may pinakama­gandang tiyempo sa mga kasali sa paglalabanang distansya na 1:18 sa hu­ling takbo sa pista pero tiyak na bibigyan ito ng ma­gandang laban ng ibang kasali dahil sa prem­yong paglalabanan.

May kabuuang 13 ka­rera ang magaganap nga­yong hapon at ang iba pang karera ay balanseng bi­nigyan ng handicaps pa­ra matiyak na maganda ang katutunghayan na ta­gisan sa mga ito.

 

Show comments