MANILA, Philippines - Napanatili ni Jeff Zarate ang init ng takbo ng Be Humble upang mapagharian ang 12th Don Juan Derby noong Linggo sa MetroTurf sa Malvar, Batangas.
Naorasan ang kabayong pag-aari ni Ruben DimaÂcuÂha ng 2:02 sa kuwartos na 25, 23’, 24’, 23, 26 para iuwi ang P900,000.00 gantimpala.
Nakuntento ang Basic Instinct sa P337,500.00 premÂyo, habang ang Boss Jaden at Sky Dragon ang kumumpleto sa datingan ng apat na kabayo.
Si Zarate ang pinakamakinang na hinete sa araw na isinelebra ang Klub Don Juan De Manila Derby dahil dalawa pa sa limang malalaking stakes races na pinagÂlabanan ang kanyang napanalunan.
Bago ang Be Humble ay naipanalo ni Zarate ang Mr. Bond sa KDJM Juvenile Colts, habang ang Crucis ang kanyang pangatlong panalo sa Don Antonio Florendo Sr. Golden Girls Stakes race.
Ito ang ikaapat na stakes win ng Crucis sa taon maÂtapos hiyain ang laban ng Sliotar at nagkahalaga ito ng P300,000.00.