Judiciary lumapit sa UNTV Cup crown

MANILA, Philippines - Tinalo ng Judiciary ang Philippine National Po­lice, 80-76, sa Game One para sa 1st UNTV Cup Finals kahapon sa Tres­ton College Gym sa Glo­bal City, Taguig.

Nagtumpok sina John Herbert Bergonio at Fre­derick Salamat ng pi­nagsamang 9 points sa hu­ling 10 minuto ng laro pa­ra ibigay sa Judiciary ang 1-0 abante sa kanilang best-of-three championship series.

Nadepensahan naman ng PNP sa final canto sina dating PBA player Don Camaso at Ariel Capus ng Judiciary.

“Nagtulungan lang si­la sa huli. Teamwork ang susi sa panalo,” wika ni coach Dennis Balason.

Nagbida rin si John Hall para sa Judiciary na nag­tayo ng isang 13-point lead, 48-35, sa halftime.

Nauna nang natalo ang Judiciary sa PNP sa overtime, 89-92, sa elimination round.

Maaari nang makamit ng Judiciary ang korona at ang premyong P1 mil­yon ng nag-oorganisang Break­through and Milestones Production Interna­tional ni chairman at CEO Da­niel Razon sa Game Two laban sa PNO sa Nob­yembre 5 sa Smart Ara­neta Coliseum.

Pinangunahan ni Ca­maso ang Judiciary mula sa kanyang 24 points at 10 boards, habang may 19 markers si Hall.

Binanderahan ni Olan Omiping ang PNP mula sa kanyang 42 points.

Inangkin naman ng Armed Forces of the Phi­lip­pines (AFP) ang third place sa kanilang 96-84 pag­giba sa PhilHealth.

Show comments