MANILA, Philippines - Hindi binigyan ng anuÂmang pagkakataon ng San Beda ang Arellano na makaporma nang kunin ang 78-62 panalo sa pagÂtaÂtapos ng 89th NCAA men’s basketball elimination round sa The Arena sa San Juan City.
Isang 11-0 panimula na kinalaunan ay naging 40-21 halftime lead ang ginawa ng Red Lions para tapusin ang double round robin bitbit ang 15-3 baÂraha.
Dahil dito, ang San BeÂda ang siyang lalabas biÂlang No. 1 papasok sa FiÂnal Four, habang ang LetÂran ang No. 2 sa 14-4 karÂta.
May bitbit naman ang dalawang koponan ng ‘twice-to-beat advantage’ sa Final Four.
Naunang binigyan ng kasiyahan ng juniors team na Red Cubs ang kanilang panatiko nang durugin ang Braves, 96-56, para maÂkumpleto ang 18-0 sweep.
Pasok na sa Finals ang Red Cubs at hihintaÂyin ang makakalaban na manggagaling sa step-ladÂder semis.
Nakuha ng Mapua Red Robins ang ikaapat na puwesto sa Final Four sa pamamagitan ng 90-67 tagumpay sa Emilio Aguinaldo College Brigadiers at siyang unang lalaban kontra sa CSB-LGHS.
Ang mananalo rito ang makakaharap ng puÂmapangalawang San SeÂbasÂtian Staglets na may ‘twice-to-beat’ advantage.
Binawian naman ng GeÂnerals ang Cardinals sa 82-76 panalo.
Ito ang ika-10 tagumÂpay matapos ang 18 laro paÂra sa tropa ni coach GerÂry Esplana upang itala ang best record sapul nang sumali sa liga.
Ang bagay na ito ay naiÂÂsantabi sa kinapos na kamÂpanya sa Final Four.
EAC 82 -- Morada 23, Happi 17, Jamon 13, ArÂquero 11, King 5, Munsayac 5, Tayongtong 4, Paguia 2, Hiole Manga 2, Castro 0, MeÂjos 0, Onwubere 0.
MIT 76 -- Cantos 24, BraÂna 13, Magsigay 15, IgÂhalo 11, Isit 9, Gonzalez 2, Estrella 2, Gabo 0, Guzman 0, Magtoto 0.
Quarterscores: 16-19; 28-39; 55-61; 82-76.
SBC 78 -- Amer 11, AdeÂogun 11, Dela Rosa 10, Pascual 10, Sara 10, Dela Cruz 9, Semerad A. 8, Abarcar 5, Ludovice 2, Semerad D. 2, Bonsubre 0, Mendoza 0, Abatayo 0, Villaruz 0.
Arellano 62 -- Caperal 23, Serjue 17, Jalalon 7, PinÂto 6, Forrester 4, Hernandez 3, Bangga 2, Gumaru 0, Nicholls 0, Agovida 0.
Quarterscores: 20-7; 40-21; 61-35; 78-62.