Pingris muling lumuha sa paghahari ng Mixers

MANILA, Philippines - Katulad ng kanyang na­ramdaman matapos ma­kamit ng Gilas Pilipinas ang isang tiket para sa 2014 FIBA World Cham­pionships noong Agosto, ibinulalas din ni Marc Pingris ang kanyang emosyon ilang minuto ma­tapos makuha ng San Mig Coffee ang korona ng 2013 PBA Governors’ Cup noong Biyernes ng ga­bi.

“Nagpapasalamat ako kay Lord. Binigay namin lahat, win or lose,” sabi ng 6-foot-5 na si Pingris habang lumuluha.

Naglista ang 32-anyos na si Pingris ng 19 points, 17 rebounds, 2 assists at 5 shotblocks sa 87-77 pana­lo ng Mixers kontra sa Petron Blaze Boosters sa Game Seven para angkinin ang kanilang pang-10 PBA championship.

Sa kanyang kabayani­han sa Game Seven ay ki­nilala si Pingris bilang Finals Most Valuable Pla­yer.

Hindi inintindi ni Pingris ang sprain sa kanyang paa mula sa Game Six noong Miyerkules.

Ang huling ginawa ni Pingris para sa panalo ng San Mig Coffee ay ang pagsupalpal kay 6’5 im­port Elijah Millsap ng Pe­tron sa natitirang 23 se­gundo.

“Iniisip ko lang, laro lang talaga eh. Hindi ko na inisip ‘yung sakit (ng ka­tawan),” ani Pingris sa kanyang injury.

 

Show comments