MANILA, Philippines - Mainit ang kaba-yong I Am On Fire nang makapagdomina ito sa nilahukang karera noong Miyerkules ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Ang class D jockey na si AI Reyes ang siyang hinete ng kabayo na luÂmabas bilang longshot sa gabing ito.
Namumuro naman ang kabayo na manalo dahil dalawang sunod na tumapos ito sa tersero puwesto pero ang hinete noon ay si EG Reyes.
Pero naipakita ni Reyes na kaya niyang dalhin ang I Am On Fire nang maisantabi ang hamon ng Yellow Citizen sa pagdadala ni Mark Alvarez at pinatawan ng pinakamabigat na handicap weight na 57 kilos.
Umabot pa sa P74.50 ang ibinigay na dibidendo sa win habang ang 4-7 forecast ay nasa P303.00.
Hindi naman nagpahuli ang mga liyamadong Fort Belle at Lord Of War na nagwagi sa kanilang mga tinakbuhang karera.
Ang Lord Of War na hawak ni Pat Dilema ang siyang lumabas bilang pinakaliyamadong kabayo na kuminang sa walong karerang pinaglabanan para makatikim din ng panalo sa pangalawang takbo lamang sa taon.
Hindi kinaya ng Papa Ethan ang magandang kondisyon ng Lord Of War tungo sa panalo sa Special Class Division race na pinagÂlabanan sa 1,300-metro distansya. Balik-taya ang win habang P8.50 ang nakuha ng mga nanalig sa 5-1 forecast.
Sa Jonathan Hernandez naman ang hinete ng Fort Belle na tinalo ang Semper Fidelis na hawak ng apprentice jockey na si JD Flores.
Nasa P5.50 ang ibinigay sa win habang P11.50 ang dibidendo sa 6-1 forecast.