NEW YORK -- Umangat sa kanilang conference division, patuloy na naririnig ng New York Knicks na hindi sila makakarating sa NBA Finals.
Sumegunda ang Knicks sa Eastern Conference.
Sa ESPN.com projection, sinabing 37 panalo ang kanilang maitatala para sa darating na season.
Inaasahang mag-aalala ang Knicks ngunit hindi naman nila ito pinapansin.
“I’m not worried about people’s opinions and whether we took a step back or stayed where we’re at. Those are people’s opinions,’’ sabi ni All-Star Carmelo Anthony. “As players, as a team, we know what we have, we know what we can do. We know how good we can be, we just have to do it.â€
Ang Miami Heat ay nasa itaas pa rin, habang nagpalakas naman ang Chicago at ang Indiana at inaasahan namang manggugulat ang Brooklyn Nets matapos makuha sina Kevin Garnett at Paul Pierce.
Nakipag-trade ang New York para makuha sa Toronto si Andrea Bargnani, ang dating overall No. 1 pick sa NBA Draft.
Posible namang magpahinga pa sina J.R. Smith at Amare Stoudemire, dahil sa kanilang mga knee surgeries.
Samantala, tinalo ng Milwaukee ang New York, 105-95, sa kanilang preseason game.