MANILA, Philippines - Apat na malalaking karera na maglalagay ng kabuuang P3 milyong prizes ang matutunghayan sa 12th Don Juan Derby na mapapanood sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas sa Oktubre 27.
Tampok na stakes race na paglalabanan ay ang Klub Don Juan De Manila Derby na lalahukan ng apat na kabayo na kakarera sa 2,000-metro distansya.
May P1.5 milyong premyo ang karerang ito at ang mananalo ay magbibitbit ng P900,000.00.
Ang mga kasali ay ang Sky Dragon (AB Alcasid Jr.), Be Humble (JT Zarate), Boss Jaden (JB Bacaycay) at Basic Instinct (JA Guce).
Ang papangalawa ay may P337,500.00 habang ang papangatlo ay mag-uuwi ng P187,500.00 at P75,000.00 ang kukub-rahin ng papang-apat sa datingan.
Masisilayan din ang mahuhusay na 2-year old horses sa Juvenile Colts at Fillies Stakes na nilag-yan ng tig-P500,000.00 premyo.
Ang fourth leg Philracom Juvenile Colts champion na Mr. Bond (JT Zarate) ay kasali sa karerang paglalabanan sa 1400-m at muli niyang makakasukatan ang Young Turk (P Dilema) at River Mist (JB Hernandez) na mga kampeon din sa stakes races. Ang Proud Papa (JB Cordero) at High Grader (AB Alcasid) ang kukumpleto sa limang kasali.
Makakalaban ng Kukurukuku Paloma na dadalhin ni JB Guce ang Tellmamailbelate (RG Fernandez), Move On (FM Raquel Jr.), Dear Ashley (JPA Guce) at coupled entry Miss Manuguit (JA Guce) at Roman Charm (JB Hernandez).
Ang multiple stakes race winner na Crucis (JT Zarate) ay kasali sa Don Antonio Floirendo Golden Girls Stakes Race kalaban ang Kornati Island (KE Malapira), Sliotar (NK Calingasan) at Botbo ( FM Raquel Jr.).
Nasa P500,000.00 din ang kabuuang prem-yo na paglalabanan at ang mananalo ay may P300,000,00 premyo habang P112,500.00, P62,500.00 at P12,000.00 ang kukumpleto sa dati-ngan.