OKLAHOMA CITY -- Hindi papayag si Oklahoma City superstar Kevin Durant na makaapekto sa kanya ang nakadidismaya nilang kampanya noong nakaraang season.
“We’re very confident that we can (manalo ng championship),’’ ani Durant. ‘“We’re not going to come in and say, ‘We can’t win it all; we don’t have enough.’ We’re a confident group of guys.’’
Ilan lamang ang kumuwestiyon sa inaasahan ni Durant para sa Oklahoma City noong nakaraang taon matapos makapasok sa NBA Finals.
Sa hindi pa paglalaro ni point guard Russell Westbrook dahil sa knee surgery, muling sasandal ang Oklahoma City kay Durant para sa darating na season.
Maglalaro ang Thunder, pinamunuan ang Western Conference mula sa 60-22 record noong nakarang season, na wala ang kanilang All-Star guard sa mga susunod na linggo.
Nagkaroon ng knee injury si Westbrook sa opening round ng nakaraang season laban sa Houston na napanalunan ng Oklahoma City bago napatalsik sa second round ng Memphis.
Samantala, binigo ng Phoenix Suns ang Thunder, 88-76 sa kanilang preseason game.