MANILA, Philippines - Humataw ang mga kabayo ni Atty. Narciso Morales para kunin na ang ikalawang puwesto sa hanay ng mga horse owners matapos ang buwan ng Setyembre.
Tumipak ng 13 panalo ang mga panlaban ni Morales sa nagdaang buwan at nakatulong ito para makakubra siya ng mahigit na P1.4 milyong premyo at agawin ang pangalawang puwesto na dating taÂngan ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos.
Matapos ang unang siyam na buwan sa taong 2013, si Morales ay nakapagtala na ng 58 panalo, 62 segundo, 64 tersero at 57 kuwarto puwestong pagtatapos para magkaroon na ng P8,481,528.40 kita.
Kapos na lamang si Morales ng kulang dalawang daan libong piso sa nangungunang si Hermie Esguerra na nagtala lamang ng dalawang panalo noong Setyembre.
May 59 panalo, 41 segundo, 17 tersero at 26 kuwatro puwesto si Esguerra tungo sa P8,624,097.52 premyo.
Si Abalos ay pumasok na rin sa P8 milyon marka habang nagbabadya na rin si Aristeo Puyat na sumama sa grupo para magkaroon ng mahigpitan ang tagisan para sa Horse Owner of the Year.
Kumabig na si Abalos ng P8,153,332.62 sa 29-15-12-8 baraha habang si Puyat ay umangat na sa P7,609,868.73 sa 57-43-45-50 record.
Sina Sixto Esquivias IV, Eduardo Gonzales, Jecli Lapus at Leonardo “Sandy†Javier Jr. ang mga nasa sumunod na apat na puwesto bitbit ang mahigit na anim na milyong premyo.
May P6,621,286.03 (38-32-45-33) si Esquivias; si Gonzales ay kumabig na ng P6,510,674.54 (45-46-42-37); si Lapus ay may P6,498,361.92 (32-45-64-44) at si Javier ay may P6,244,385.20 (45-45-33-25).
Ang SC Stockfarm na mayroong P5,462,102.96 (23-15-21-17) at ang Jade Bros. Freight na may P5,411,902.29 (34-32-41-48) ang kukumpleto sa uÂnang sampung puwesto.