MANILA, Philippines - Dumating na kahapon si Edgar “Chololo†Martinez ng Mexico sa Mactan Cebu International Airport via flight 5J561.
Kasama ang kanyang trainer na si Franco Gabaldon, kumpiyansa si Martinez na makakamit niya ang kanyang kauna-unahang knockout win laban sa isang Filipino top-notch fighter. Ang kanyang huling anim na kalaban ay pinatulog ni Martinez.
Si Martinez ay may pitong kabiguan sa kanyang ring record ngunit ang isa dito ay galing sa kanyang nakaharap na si dating WBA Flyweight Interim champ Sammy Gutierrez, nagdadala ng 32-8-2 kasama ang 23 KO’s.
Natalo din siya kay Ivan Morales, ang nakababatang kapatid ni ring legend Erik ‘El Terible’ Morales.
Nakatakdang labanan ni Martinez si ‘King Arthur’ Villanueva para sa bakanteng WBO International Super Flyweight title sa Oktubre 26 para sa Pinoy Pride XXII: The Revenge sa Waterfront Hotel and Casino.
Mabibili na ang mga tiket sa SM cinema, Robinsons Department Store Costumer Service, ALA Gym BTC, ALA Gym Mandaue, ALA Gym Minglanilla, ALA Gym Banawa and Bisaya Ispisyal Ayala, Waterfront Cebu City Hotel and Casino Lobby, FORMO Restaurant and Lounge at sa ALA Promotions Office.
Para sa ticket reservations ay maaaring tumawag sa 505-9513 /09231072890/09158690905.