MANILA, Philippines - Ang nalalapit na PBA D-League Aspirant’s Cup at Battle of Champions ng Petron Ladies Beach Volleyball tournament ang tampok ngayon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.
Lima sa mga founding team members ng D-League na defending champion NLEX, Blackwater, Boracay Rum, Café France at Cebuana Lhuillier ay sasamahan ni tournament director Eric Castro sa session na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918 at handog ng Shakey’s at Philippine Amusements and Gaming Corporation na tatalakay sa season-opening conference na magsisimula sa Huwebes sa Ynares Arena sa Pasig.
Dadating naman si Petron Ladies Beach Volleyball tournament organizer Tisha Abundo sa alas-10:00 ng umagang public sports program kasama ang mga koponang maglalaban-laban sa Battle of Champions na nakatakda sa Oct. 24 at 25 sa La Salle Dasmariñas Health and Science Campus.