MANILA, Philippines - Patuloy ang pamama-yagpag ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) kahit na napakaraming suspensions na ipinataw sa unang semester ng Season 76.
Naging regular ang pagpapataw ng suspensions at nagkaroon din ng TROS (temporary restraining order) at forfeiture ng mga panalo ngunit ayon kay Fr. Maximino Rendon, C.M., ang season president ng host Adamson University, naging matagumpay ang first-semester ng liga.
“Season 76 was very successful despite the problems we encountered along the way,†sabi ni Rendon. “This we credit to the enormous support of students, alumni and fans to their res-pective schools.â€
Napakaraming suspensions sa kasalukuyang Season 76, lalo na sa men’s basketball competitions kung saan naging suki ang University of the East.
Na-forfeit din ang mga laro ng Far Eastern University sa women’s basketball dahil ang isa nilang player ay lumaro sa isang club tournament bagama’t hindi pa tapos ang torneo kaya naglaho ang tsansa nilang maging kampeon via sweep.
Nagkaroon din ng TRO sa juniors basketball at swimming bilang pangontra sa two-year residency rule ng liga sa high school graduates na lumipat mula sa isang UAAP school patungo sa isa pang UAAP school. Ngunit naayos naman ang lahat, ayon kay Rendon.
Ibinalita rin ni Rendon ang mga bagong record-highs sa Cheerdance Competition na pinagwagian sa unang pagkaka-taon ng National University at sa men’s basketball finals kung saan tinalo ng De La Salle ang University of Santo Tomas sa klasikong labanan.
Ang Cheerdance Competition ay nagtala ng record na 20,830 fans noong September 14 sa Mall of Asia Arena, na hinigitan ang 20,686 crowd noong nakaraang season.
Sa men’s basketball finals, ang Games One at Two sa Smart Araneta Coliseum ay sinaksihan ng 20,525 at 23,037 live audience habang ang Game Three ay umabot sa 23,696 fans sa MOA Arena.