Generals humirit ng tsansa sa Final Four

MANILA, Philippines - Humugot si Josh Pa­guia ng anim sa huling 10 puntos ng Emilio Aguinaldo College para ibasu­ra ang pagdikit ng Jose Rizal University sa fourth quarter at angkinin ang 78-68 panalo sa se­cond round ng 89th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ang panalo ang nagbigay sa Generals ng tsansa pa­ra sa isang playoff sa ika­apat at huling tiket sa Fi­nal Four.

Para mangyari ito, kailangang talunin ng EAC ang sibak nang Mapua sa Huwebes.

Dapat ding ipanala­ngin ng Generals na ma­ta­lo ang San Sebastian Stags sa isa sa kanilang hu­ling dalawang asignatura, kabilang dito ang la­ban sa Perpetual Altas ka­gabi.

Nagposte ang EAC ng 11-point lead sa third period bago nakadikit ang Jose Rizal sa dalawang pun­tos na agwat sa fourth quarter.

Nagsalpak naman si Pa­guia ng mga mahahalagang baskets para ibigay sa Generals ang tagum­pay.

Sa likod nina Philip Pa­­­niamogan at Cris Jor­dan dela Paz, nakaba­lik sa laro ang Heavy Bom­­bers mula sa isang 11-point de­ficit sa pagtatapos ng third period para ma­kalapit sa 62-64 agwat sa fourth quar­ter.

Subalit iyon na ang na­ging huling paghahamon ng Kalentong-based ca­gers dahil nagbida si Pa­guia para sa EAC nang umiskor ng anim sa hu­ling 10 markers ng Taft-based dribblers sa final can­to.

Naglista si Paguia ng 11 points, 10 rebounds at 2 assists.

Humakot naman si Ca­meroonian import Nou­be Happi ng 18 points pa­ra banderahan ang Ge­nerals kasunod ang 15 ni Jan Jamon, 12 ni Jack Ar­quero at 11 ni John Ta­yongtong.

Umiskor si Michael Ma­bulac ng 19 markers sa panig ng Heavy Bombers, habang may 14 si Paniamogan. (RCadayona)

EAC 78 -- Happi 18, Ja­mon 15, Arquero 12, Paguia 11, Tayongtong 11, Castro 7, Onwubere 2, Morada 2, Sa­ludo 0, Hiole Manga 0, King 0, Munsayac 0.

Jose Rizal 68 -- Mabulac 19, Paniamogan 14, Lasquety 9, Dela Paz 7, Abanto 6, Salaveria 5, Grospe 4, San­chez 4, Benavides 0.

Quarterscores: 27-16; 44-32; 62-51; 78-68.

Show comments