4th Leg ng Juvenile Fillies at Colts ngayon

MANILA, Philippines - Kukuhang muli ng aten­syon ang mga mahu­husay na two-year old hor­ses sa paglarga ng 4th Leg ng Phil­racom Juvenile Fillies at Colts stakes nga­­yong hapon sa San La­zaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sa mas mahabang 1,500-metro ang distansyang paglalabanan at ang mananalong kabayo sa dalawang stakes ra­ces ay mag-uuwi ng P900,000.00 premyo mu­la sa P1.5 milyon na inilaan ng Philippine Racing Commission.

Ang Up And Away na sakay si Dominador Bor­be Jr. ang siyang magtatangka na sundan ang pa­nalong naitala sa third leg.

Wala ang premyadong 2-year old filly na Kukurukuku Paloma kaya’t ang Roman Charm na sasak­yan ni Jonathan Hernandez at magiging karibal ng Up And Away.

Ang iba pang kasali ay ang Prized Angel (Fernando Raquel Jr.), Winter’s Tale (JA Guce), Sky Way  (MA Alvarez), Veni Vi­di Vici (JV Ponce) at coupled entries Australian La­dy (V Dilema) at The La­dy Wins (Pat Dilema).

Balikatan naman ang ma­gaganap sa Juvenile Colts dahil sa mga ka­ba­yong Young Turk (P Di­lema), Matang Tubig (JB Hernandez) at River Mist (V Dilema) bukod pa sa Proud Papa (JB Cordero), coupled entries na Handsome Prince (MA Alvarez) at King Of Reality (JB Guce).

Show comments