MANILA, Philippines - Matinding puso, pagtutulungan at determinasyon.
Ganito sinuma ng mga Azkals ang kanilang ginawa para mapanatili sa bansa ang titulo sa 2nd Philippine Peace Cup na natapos noong Martes sa Panaad Stadium sa Bacolod City.
“We showed heart,†wika ni Stephan Schrock. “We worked together as a group and I think that’s the most important thing.â€
Bumangon ang koponan mula sa 0-1 iskor nang gumawa sina Patrick Reichelt, Chris Greatwich at Schrock ng tatlong goals para manalo sa Pakistan.
Must-win ang host team matapos ang di inaasa-hang 1-2 pagkatalo sa Chinese Taipei sa unang laro.
“We didn’t want to come in this football-crazy city and not put on a performance. It was important for our own confidence. I think the guys responded to that very well,†pahayag ng team captain na si Rob Gier.
Matapos ang Peace Cup, sunod na pagtutuunan ng Azkals ay ang AFC Challenge Cup sa Maldives mula Marso 8 hanggang 23.
“This is a small victory. We should not lose sight of the bigger picture which is the Challenge Cup,†pahayag ni Azkals manager Dan Palami.
Nais ng Azkals na higitan ang makasaysayang third place na pagtatapos sa 2012 edisyon sa Nepal at maganda ang tsansa nila dahil lahat ng mga Fil-Foreigners ay makakasama sa koponan.