SACRAMENTO, Calif. -- Nagposte si DeMarcus Cousins ng 31 points at 11 rebounds upang banderahan ang Sacramento Kings sa 99-88 preseason win laÂban sa Los Angeles Clippers.
Ipinagpahinga ni Clippers coach Doc Rivers ang kanÂyang mga starters na sina Blake Griffin, Chris Paul at DeAndre Jordan para sa kabuuan ng nasabing laro.
Nakatakdang harapin ng Clippers (2-1) ang Phoenix Suns.
Sa likod ng 25 markers ni Cousins, kinuha ng Kings (2-1) ang 56-47 halftime lead.
Umiskor siya ng 6 points sa third quarter kung saan nagÂlista ang Sacramento ng isang 17-point lead kontra sa Los Angeles patungo sa fourth period.
Nag-ambag si Isaiah Thomas ng 16 points kasunod ang tig-10 nina John Salmons at Marcus Thornton paÂra sa Kings.
Pinamunuan ni Jamal Crawford ang Clippers buhat sa kanyang 25 points, habang naglista si Darren ColliÂson ng 20 points at 10 assists.
Humakot naman si center Byron Mullens ng 16 points at 7 rebounds kasunod ang 12 ni Willie Green.