Sabillo gustong ipakilala ang sarili sa mga Pinoy

MANILA, Philippines - Ang pagkakataong mu­­ling maipa­kita ang ba­­ngis sa loob ng bo­xing ring ang isa sa magpapa­sigla kay Merlito Sabillo sa pag­salang niya sa ma­ka­say­sayang Pinoy Pride XXIII sa Nobyembre 30 sa Smart Araneta Colise­um.

Isang mandatory defense ang gagawin ni Sabil­lo sa hawak na WBO mi­nimumweight title kontra sa walang talong si 21-anyos Carlos Buitrigo (27-0-0, 16 KOs) ng Nica­ragua.

“Excited ako dahil mag­kakaroon uli ako ng pag­kakataon na lumabas sa harap ng aking mga ka­babayan. Gusto kong gu­mawa ng pangalan sa mun­do sa harap nila at pa­tutunayan ko sa lahat na karapat-dapat ako na ma­ging world champion,” wika ng 29-anyos na si Sabillo nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Ma­late kahapon.

Nanguna sa mga bisita si ALA Promotions vice president Dennis Cañete at ipinagmalaki niya na bagong marka ang gagawin ng Pinoy Pride dahil hin­di isa kundi dalawa ang title fights na mangya­yari at tatlo pang panlaban ng ALA ang sasalang sa gabi ng sagupaan.

Si Donnie Nietes na kam­peon sa WBO light fly­weight class ay magde­depensa rin ng titulo laban sa di pa pinapangalanang katunggali.

Si Co­lom­bia fighter Gab­riel Men­­doza ang ki­nukuha para labanan si Nietes, ngunit hindi tiyak ito dahil hindi pa pu­ma­payag ang nasabing boksingero.

Show comments