MANILA, Philippines - Isa ang orihinal na taÂhanan ni Filipino boxing superstar Nonito ‘The FiÂlipino Flash’ Donaire, Jr. sa mga napinsala sa 7.2-magnitude earthquake na tumama sa Bohol at sa iba pang probinsya sa ViÂsaÂyas kahapon.
Sa pamamagitan ng kanÂyang Facebook account ay nanawagan si DoÂnaire sa kanyang mga kaÂbabayan ng dasal para sa mga naapektuhan ng linÂdol.
“Please send prayers to Bohol and Cebu for the earthquake that affecÂted many lives. #GodHelpUs,†wika ng 30-anyos na si Donaire.
Ang 30-anyos na si DoÂnaire ay tubong Talibon, Bohol bago nanirahan sa United States sa edad na 6-anyos.
Sa kanyang mga suÂmuÂnod na posts ay gumaÂmit siya ng mga salitang Filipino, Spanish at Japanese.
“If I flooded your timeÂline w/ different lanÂguaÂges I’m sorry but Bohol and Cebu need our praÂyers. A 7.2 earthquake hit destroying buildings and they have no power,†paÂliwanag ni Donaire.
Kasalukuyang nag-eÂensayo si Donaire sa Las Vegas, Nevada para sa kanÂyang rematch kay Vic ‘The Raging Bull’ DarÂchinyan sa Nobyembre.
Ipinoste din ni Donaire ang larawan ng kanilang tahanan noong 2009.
“For all of you that don’t know, the earthquake hit my birthplace of Bohol. Here’s a video taÂken in 2009 of the house I was born in that is now destroyed,†ani Donaire sa link sa isang news segment noong Abril ng 2009 na nagpakita sa pagbisita niya sa Talibon, Bohol.
Maski ang mga miÂyemÂbro ng Philippine Azkals ay naramdaman ang laÂkas ng lindol.
Ang Azkals ay nasa BaÂcolod City, ilang daang kiÂlometro mula sa Cebu CiÂty, para sa 2013 Peace Cup.
Akala nina Azkals plaÂyers Jerry Lucena at Paul Mulders ay may umuuga sa kanilang mga kama.
“Sobrang lakas, ‘yung ceiling at walls mararamÂdaman mo talaga na moÂÂving. Nagtakbuhan na taÂlaga kaÂmi, sobrang maÂraÂÂramdaÂman mo talaga ‘yung laÂkas eh, ‘yung bed guÂmaÂgaÂÂlaw talaga,†kuÂwenÂto naÂÂman ni Azkals’ team capÂtain Chieffy CaÂligÂdong.