Oden posibleng makalaro na sa preseason ng Miami

MANILA, Philippines - Nang sumugal ang Miami sa pagkuha kay Greg Oden nitong offseason, ang plano ay dahan-dahan siyang ibalik at umasang makakatulong siya sa team bago makarating ang liga sa postseason tungo sa kanilang ambisyong ikatlong sunod na titulo.

Ngunit tila mas mapapaaga ang pagbabalik ni Oden matapos bigyan ng clearance para sa full practice work sa Miami Heat ayon sa ESPN.com.

Posibleng makita na sa preseason si Oden sa kanyang unang NBA action  matapos ang 4-taon.

“The next step for me now is just doing some five-on-five work and just getting out there,” ani Oden. “Every little step for me, I just get excited. I just want to get out there and do more and more, get my wind back, get my legs back under me. I’m hoping in the next couple of weeks I’ll be able to get a couple of minutes out there.”

Show comments