Bradley itataya ang titulo laban kay Marquez ngayon

MANILA, Philippines - Ihahatid ng GMA-7 ang kapana-panabik na pag­­haharap nina Timothy Brad­ley, Jr. at Juan Ma­nuel ‘Dinamita’ Marquez na tinaguriang ‘World  Wel­terweight Champion­ship: Bradley vs Marquez ngayong alas-11 ng uma­ga.

 Nakataya sa 12-round fight ang WBO welterweight belt ni Bradley na ga­ganapin sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

Ipapalabas ito via sa­tel­lite sa GMA 7 Kapuso Network.

“I have one goal - go in­to the ring, win and retire the great Juan Manuel Mar­quez,” ani Bradley.

Nakatakdang patuna­yan ng 30-anyos na si Brad­ley ang kaniyang ka­hu­sayan sa loob ng boxing ring matapos ang kanyang kontrobersyal na split de­cision win kontra kay Fi­lipino boxing champion Man­ny Pacquiao.

Nagsimula ang kanyang boxing career noong siya ay 10-anyos pa la­mang hanggang sa ma­ging bahagi ng US boxing team.

Sinabi ng 40-anyos na si Mar­quez na wa­la pa siyang ba­lak magretiro.

“While I never thought that I would be fighting at this age, I have never felt that I should retire just because of my age,” ani Marquez, tinalo si Pacquiao noong Disyembre.

 

Show comments