MANILA, Philippines - Ang ikaapat na edisyon ng Le Tour de Filipinas ay idaraos sa Abril 21-24 sa susunod na taon.
Ito ay matapos aprubahan ng International Cycling Union (UCI), ang world governing body ng cycling, ang petsa na isinumite ng race organizer na Dynamic Outsource Solutions, Inc. (DOS-1) sa isang pulong sa Florence, Italy noong Setyembre.
Ayon kay DOS-1 president Gary Cayton, ikukunsidera nila ang isang ‘southern swing’ para sa 2014 Le Tour de Filipinas.
Kinilala bilang ‘Northern Alps, ang nasabing ruta ay isang 132.7-km padyakan mula sa Bayombong sa Nueva Viscaya hanggang Cayapa Road sa Cordilleras.
Ito pa rin ang magiging prayoridad na dadaanan ng mga siklista para sa susunod na Le Tour.
Inangkin ni Baler Ravina ang korona noong 2012 edition na siyang bumasag sa dominasyon ng mga veteran foreign riders sa nasabing four-stage race na sinusuportahan ni cycling ‘godfather’ Bert Lina ng Air21.
Si Irish David McCann, kumampanya sa London 2012 Olympics, ang nagkampeon sa unang edisyon noong 2010.
Ang koponan naman ng Iran ang naghari noong 2011 tampok ang paghirang kay Rahim Emami bilang general classification winner.
Ang mga Iranians ang namahala sa labanan noong 2012 sa likod ni Asian No. 1, Olympian at world championships veteran Ghader Mizbani.