ORLANDO, Fla. -- Lalabanan ni Miguel Cotto si Delvin Rodriguez ng DoÂminican Republic sa isang non-title, 12-round juÂnior middleweight bout ngayon sa Amway Center sa Orlando, Florida.
Nagmula sa dalawang magÂkasunod na kabiguan si Cotto mula kina Floyd MayÂweather, Jr. noong MaÂyo ng 2012 at kay AusÂtin Trout noong DisyemÂbre ng 2012.
Para sa nasabing laban kay Rodriguez, kinuha ni Cotto si chief trainer Freddie Roach.
“Freddie took the best from me and the best from him, that’s what we did in training camp,†ani Cotto sa kanilang pinakahuÂling news conference. “I need a person who can see what I can’t do inside the ring, people who can tell what I have to do in the most correct way. That was Freddie.â€
Kumpiyansa naman si Roach na mananalo ang 32-anyos na si Cotto sa 33-anyos na si Rodriguez (28-6-3, 16 KOs).
“Miguel is a great stuÂdent,†sabi ni Roach, siÂnaÂÂnay si Pacquiao para sa kanyang knockout win kay Cotto noong 2009.
Naniniwala si Rodriguez na matatalo niya si CotÂto para sa posible nitong pagreretiro.