Phl Under 16 team nakuntento sa silver medal

MANILA, Philippines - Ipinakita ng Philippine national youth team ang ka­nilang tapang.

Ngunit sa huli ay nakita pa rin ang lakas ng two-time defending champion na China.

Yumukod ang Natio­nals sa Chinese, 78-85, pa­ra sa gold medal game ng 2013 FIBA Asia Under-16 Championships sa Azadi Stadium sa Tehran, Iran.

Mula sa 63-59 abante sa 6:24 sa laro, isang 7-0 atake ang ginawa ng China para iposte ang isang 11-point lead,  70-59.

At buhat dito ay hindi na nakalapit pa ang Phi­lip­pine squad.

Sa kabila ng kabiguan sa finals, nakamit pa rin ng Nationals ang tiket pa­ra sa 2014 FIBA World Un­der-17 Championships sa Dubai.

Ang China at ang Pilipinas ang kakatawan sa As­ya sa naturang torneo.

Nagtala sina 6-foot-4 Zhao Yanhao at 6’8 Fu Hao ng 25 at 22 points, ayon sa pagkakasunod, pa­ra banderahan ang Chinese team.

Pinamunuan naman ni Ateneo prospect Jolo Men­doza ang Natio­nals mula sa kanyang 20 points kasunod ang 13 ni Mike Nieto at 11 ni Paul De­siderio.

China 85 – Zhao 25, Fu 22, Xu 14, Hu 12, Liu 7, Luo 4, Yuan 1, Zhang 0, Wang 0, Wu 0, Shen 0.

Philippines 78 – Mendoza 20, M. Nieto 13, Desiderio 11, Escoto 7, Padilla 6, Dela Cruz 6, J. Nieto 4, Go 4, Panlilio 3, Navarro 2, Abadeza 2, Dario 0.

Quarterscores: 24-20; 42-35; 59-55; 85-78.

 

Show comments