Phl U16 pasok sa FIBA world c’ships

MANILA, Philippines - Kagaya ng Gilas Pilipinas, umabante rin ang Phi-lippines Under-16 team sa world championships.

Tinalo ng Nationals ang Chinese Taipei mula sa isang come-from-behind 77-72 victory patungo sa finals ng 3rd FIBA-Asia Under-16 Championships sa Tehran, Iran.

Dahil dito, pumasok ang koponan sa 2014 FIBA-Worlds sa Dubai.

Nagtulung-tulong sina Jolo Mendoza, Mike at Matt Nieto ng Ateneo para itak-da ang kanilang paghaharap sa finals ng two-time champion China.

Nauna nang binigo ng Chinese ang Japan, 99-78, para sa unang finals berth.

Kasalukuyan pang naglalaro ang Philippine team at ang China habang isinusulat ang balitang ito.

Ang FIBA World Under-17 championships ay nakatakda sa Hunyo 26 hanggang Hulyo 6 sa Dubai sa susunod na taon.

Umiskor si Mendoza ng 28 points kasama ang limang triples para sa panalo ng Nationals na na-kabawi sa kanilang 90-95 pagyukod sa Taiwanese sa group stages.

Nag-ambag si Mike Nieto ng double-double na 17 points at 14 rebounds, habang naglista si Matt Nieto ng 11 points, 6 assists, 4 rebounds at 2 steals.

Ito ang unang finals appearance ng bansa sa biennial meet matapos pumang apat sa nakaraang dalawang edisyon noong 2009 at 2011 sa Malaysia at Vietnam.

“I keep saying that the performance of our Gilas Pilipinas team has inspired the entire Filipino basketball community including this team,” sabi ni Phl coach Jamike Jarin sa FIBA-Asia’s official website na www.fibaasia.net.

Nanguna ang tropa sa Group F matapos talunin ang Iran, 79-52, sa quarterfinals.

 

Show comments