MANILA, Philippines - Sumandal ang Emilio Aguinaldo College sa tikas nina John Tayongtong at Jan Jamon sa kinubrang 85-83 panalo sa College of St. Benilde sa 89th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Nailusot ni Tayongtong ang kaliwang lay-up kontra sa depensa ni Mark Romero upang ibigay ang dalawang puntos na kalama-ngan sa huling 1.2 segundo.
Tulad sa naunang pagkikita na napagwagian din ng Generals, 73-72, dikitan ang labanan bago nakalayo na ng tatlong puntos ang Blazers, 83-80 sa buslo ni Jonathan Grey.
Pero nawala ang depensa kay Jamon na naipasok ang tres para magtabla uli ang dalawang koponan.
Ang panalo ang ikawalo ng Generals matapos ang 15 laro at bukod sa napantayan nila ang panalong nakuha sa 88th season, lumakas naman ang laban nila para sa hu-ling puwesto sa Final Four matapos dumikit ng isang laro sa San Sebastian (8-6).
“We made the baskets when it mattered most. We now have won eight games, maganda na ito para sa Final Four. We just have to take care of the opportunity,†wika ni Gene-rals coach Gerry Esplana.
Si Tayongtong ay mayroong 17 puntos para isuporta sa 20 puntos ni Noube Happi. Bumaba ang Blazers sa 5-9 karta at kailangan ngayong walisin ang nalalabing apat na laro para magkaroon pa ng tsansa na umabante sa susunod na round.
Ang panalo ng Gene-rals ay pambawi matapos ang 92-58 pagkatalo ng kanilang junior team sa Baby Blazers.
Ito ang ika-10 panalo sa 14 laro ng St. Benilde upang manatiling nasa ikatlong puwesto sa juniors division.
Nanalo din ang Jose Rizal Light Bombers sa Mapua Red Robins, 67-64, upang panatilihing buhay ang laban sa Final Four.
May 8-6 karta ngayon ang JRU at kasalo ang Letran habang ang Red Robins ay bumaba sa 10-5 baraha.
Unang laro (Juniors)
CSB 92 -- Rivero 29, Paras 24, RP Rivero 8, Gob 8, San Juan 6, R. Rivero 6, Barrera 6, Lozada 3, Alcala 2.
EAC 58 -- Aguilar 17, Alafriz 14, J. Piopongco 6, Rafael 5, A. Piopongco 5, Dultra 4, Meana 3, Redido 2, Fandialan 2.
Quarterscores: 20-13, 34-25, 66-48, 92-58.
Ikalawang laro (Juniors)
JRU 67 -- Adorio 15, Marcial 14, Estrella 14, Dada 8, Garcia 8, Abrew 6, Yazouri 2.
Mapua 64 -- Villasenor 14, Aguirre 13, Serrano 13, Pascua 10, Cabural 7, Lugo 5.
Quartercores: 14-10, 31-23, 47-47, 67-64.
Ikatlong laro (Seniors)
EAC (85) -- Happi 20, Tayongtong 17, King 16, Arquero 12, Paguia 7, Jamon 6, Morada 5, Hiole Manga 2, Munsayac 0, Onwubere 0.
CSB (83) -- Taha 20, Jonson 13, Romero 13, Grey 12, Bartolo 6, Ongteco 6, Garcia 6, Sinco 5, Saavedra 2, Argamino 0, Carlos 0.
Quarterscores: 12-18, 37-32, 61-59, 85-83.