MANILA, Philippines - Para kay head coach Tim Cone, hindi lamang makikita sa boxscores ang kontribusyon ni veteran forward Joe Devance para sa San Mig Coffee sa kasalukuyang 2013 PBA Governor’s Cup.
“Joe does a lot more for us than what shows up in the boxscores. He handles the ball, can set up the offense and probably is our best player in terms of understanding our execution,†wika ni Cone sa 6-foot-7 na si Devance.
Sa 83-73 panalo ng Mixers kontra sa Meralco Bolts sa Game One ng kanilang best-of-five semifinals series noong Linggo, umiskor si Devance ng 10 sa kanyang 17 points sa fourth quarter.
Dahil sa kanyang kabayanihan ay hinirang ang 31-anyos na si Devance bilang Accel-PBA Player of the Week.
“He’s a point forward in the strictest sense, which allows us great flexibility,†ani Cone sa Fil-American cager. “He’s showing all that in this playoff so far and has been a huge key to our success.â€
Tumipa si Devance ng 10 points sa 105-112 kabi-guan ng San Mig Coffee kontra sa Alaska sa unang laro sa quarterfinals bago kumolekta ng 12 markers at 9 rebounds sa kanilang 83-73 pagresbak noong Biyernes.
“I’m just trying to do my little part, trying to help the team win,†sabi ni Devance.
Si Devance ay nagtala ng 7.0 points per game ave-rage sa single round eliminations para sa Mixers.