MANILA, Philippines - Muling ipapamalas ng mga kabayong KukuruÂkuÂku Paloma at Young Turk ang kanilang husay sa paglarga ngayong haÂpon ng 2013 Philracom 3rd Leg Juvenile Fillies and Colts Stakes sa San LaÂzaro Leisure Park sa CarÂmona, Cavite.
Anim ang kasali sa filÂlies, habang pito ang sa colts at sa magkatulad na 1,400-metro distansya gaÂÂgawin ang dalawang kaÂÂÂrera na sinahugan pa ng tig-P1 milyon piso premÂyo mula sa Philippine Racing Commission (PhilÂracom).
Sasakyan pa rin ni Val Dilema, ang Kukurukuku PaÂloma ay ipinapalagay biÂlang isa sa matinik na two-year old horse matapos talunin ang Young Turk at Matang Tubig sa isang 2YO Special Handicap race sa nasabing race track kamakailan.
Ang mga magtatangkang pumigil sa hanap na panalo ng kabayo ay ang Move On (FM Raquel Jr.), Priceless Joy (JB Hernandez), Pure Enjoyment (JA Guce), Up And Away (MA Alvarez) at Roman Charm (RG Fernandez).
Nakaungos ang MaÂtang Tubig sa Young Turk nang tumapos ang una sa pangalawang puwesto sa karerang dinomina ng KuÂkurukuku Paloma.
Ang mga kasali ay ang Lucky Man (RG Fernandez), KuÂlit Bulilit (FM Raquel Jr.), Mr. Bond (JB Guce), RiÂver Mist (JT Zarate) at Proud Papa (JB Cordero).