Cebu City overall champion sa Batang Pinoy Visayas leg

MAASIN CITY, Leyte, Philippines -- Mula sa kanilang dominasyon sa 20 sports events ay sinikwat ng Cebu City ang overall title sa Philippine Sports Commission-Philippine Olympic Committee Batang Pinoy Visayas qualifying leg.

Humakot ang Cebu City ng kabuuang 71 gold, 52 sil­ver at 25 bronze medals para pangunahan ang nasabing event.

Pinamahalaan ng Cebu City, naglahok ng 168 atleta, ang halos 20 sports kasama dito ang swimming, ka­ratedo at athletics.

Ang Queen City of the South ang inaasahang magi­ging paborito para sa National Finals sa Nobyembre sa Bacolod City.

Tumubog ang Cebu City ng kabuuang 26 golds, 17 silvers at 5 bronzes sa swimming event, kasama dito ang anim ng 14-anyos na si Karen Mae Indaya.

Sumegunda naman ang Bohol Province na may 23 gold, 15 silver at 11 bronze medals.

Ang 21 ginto ng Bohol Province ay kanilang si­nik­wat sa swimming.

 

Show comments