MANILA, Philippines - Ipinamalas ni 6-foot-7 forward Jay Washington ang isang laro na inaasahan sa kanya ng Batang Pier.
Nagposte si Wa-shington ng 30 points, 14 rebounds, 5 blocks at 2 assists para igiya ang Globalport sa 113-106 overtime win kontra sa Barangay Ginebra noong Biyernes para sa kauna-unahang playoffs appea-rance ng koponan ni team owner Mikee Romero.
Dahil sa kanyang kabayanihan, hinirang ang veteran forward bilang Accel-PBA Player of the Week para sa linggong Setyembre 16-22.
“Jay-Wash has been struggling in our past few games and the way he rose to the challenge is a clear sign of how good a player he is,†wika ni Globalport head coach Junel Baculi sa 32-anyos na tubong Zambales na si Washington.
Tinapos ng Batang Pier ang elimination round bitbit ang 4-5 win-loss slate para angkinin ang No. 5 sa quarterfinals.