Biado pinayagang maglaro sa SEA Games

MANILA, Philippines - Binigyan ng go-signal ni Bugsy Pro­motions owner Perry Mariano si Car­lo Biado na makasama sa bubuuing na­tional team para sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.

Ayon kay Mariano, kinausap siya ng BSCP para hiramin si Biado at ita­tam­bal sa isa pa niyang manlalaro na si 2011 Indonesia 8-ball gold medalist Den­nis Orcollo.

Si Biado, umabot sa semifinals sa World 9-ball Championship sa Doha Qa­tar, ang siyang No. 2 sa world ran­kings na ipinalabas ng World Pool Asso­ciation noong Setyembre 14.

Si Orcollo ang nasa ikatlo at si Lee Van Corteza ang nasa ikaapat na puwesto sa talaang pinamumunuan ni World 9-ball champion Thorsten Hohmann ng Germany.

Bagama’t mataas ang mga rankings, hindi naman ginagarantiya ni Mariano ang ginto sa mga paglalaruang events ng mga alipores.

Dahil sa bumababang antas ng pool sa bansa ay nananawagan muli si Maria­no sa Philippine Olympic Committee (POC) na pinamumunuan ni Jose Cojuangco Jr. na kumilos na at ayusin ang prob­lema sa BSCP.

 

Show comments