Blue Eaglets dinagit ang Baby Tams para makalaban ang Bullpups sa Finals

MANILA, Philippines - Pinayukod ng Ateneo Blue Eaglets ang Far Eastern University Baby Tamaraws sa playoff step-ladder format, 69-64, para sa karapatang makalaban ang Na­tional University Bullpups sa 76th UA­AP juniors basketball finals.

 Umiskor sina Michael Nieto at Jose Escaler ng tig-14 points para banderahan ang Blue Eaglets, habang nagdagdag si Thirdy Ravena, ang nakababatang kapatid ni Ateneo superstar Kiefer Ravena, ng  11 markers kasunod ang 10 ni Aaron Black, anak ni head coach Norman Black

Iniwanan ng Baby Tamaraws ang Blue Eaglets sa first period, 9-17, ngunit bu­mangon sa second quarter para tumabla sa 32-32 sa halftime.

 Mula rito ay kinuha ng Ateneo ang 47-46 abante sa third period patungo sa pag­tatayo ng 65-59 kalamangan sa dulo ng final canto mula kay Escaler.

Nagsalpak si Wendell Comboy ng isang three-point shot para ilapit ang FEU sa 62-65 agwat .

Ngunit kumonekta si Black ng isang jumper para selyuhan ang panalo ng Blue Eaglets laban sa Baby Tamaraws.

Pinangunahan ni Marvin Lee ang FEU mula sa kanyang 19 points.

Ateneo 69 – Nieto 14, Escaler 14, Rave­na 11, Black 10, Nieto 9, Mendoza 7, Ramos 2, Magpoc 2, Salandanan 0, Joson 0, Calilung 0.

FEU 64 – Lee 19, Domingo 15, Bienes 9, Completo 5, Aquino 5, Tabudlo 4, Lumba 4, Comboy 3, Rumbaoa 0, Paglinawan 0, Domingo 0.

Quarterscores: 9-17; 32-32; 47-46; 69-64.

 

Show comments