MANILA, Philippines - Tila may pakpak na tuÂmakbo ang Angel of Mine mula sa banderang-taÂpos na panalo noong MiÂÂyerkules sa San Lazaro LeiÂsure Park sa Carmona, CaÂvite.
Ipinagabay ang kaÂbaÂyo kay AP Peñaflor mula sa dating hinete na si Val Dilema at nagbunga ang tambalan nang mapalabas ng jockey ang itinatagong tulin ng Angel Of Mine.
Agad na sumunod ang Virgin Forest na sakay ni JB Guce sa pag-alagwa ng Angel Of Mine pero hindi nagkaroon ng pagkakataon na makuha ng naghahabol na kabayo ang liÂderato dahil kondisyon ang nanalong kabayo.
Siyam ang naglaban sa 3YO Special Handicap Race na suportado ng EG&1 Construction CorÂporation na naglaan ng P20,000.00 na hinati sa winning owner, jockey, traiÂÂner at groom.
Ang owner ay kumaÂbig ng P10,000.00, habang P4,000.00, P3,000.00 at P2,000.00 ang napanalunan ng tatlong sumunod.
Nakinabang din ang mga dehadista na puÂmaÂnig sa Angel Of Mine daÂhil may P127.50 ang ibiÂnigay sa win, habang ang 1-9 forecast ay naghatid ng P179.50.
Napanatili naman ng CasÂsie Dear at Meadow Lad ang magandang takÂbo na natunghayan sa huÂling karerang nilahukan nang dominahin ang mga siÂnalihang laban.
Si LF de Jesus ang guÂmabay sa Cassie Dear sa 3YO Handicap Race at tiÂnalo ng tambalan ang Mindful Minstrel para maÂsundan ang panalo noong Setyembre 14.
Sa kabilang banda, ang Meadow Lad ay nangiÂbaÂbaw sa Class Division 1B kontra sa hamon ng Whispering Melody at madugtungan ang panalo noong Setyembre 12.
May P13.50 ang ibiniÂgay sa win ng Cassie Dear, habang P16.00 ang 5-1 forecast habang P6.00 ang win ng Meadow Lad peÂÂro umabot sa P42.00 ang nadehado pang 6-5 forecast.