MANILA, Philippines - Sinasabi ni Vic ‘The RaÂging Bull’ Darchinyan ng Armenia na siya ang nagpasikat kay NoniÂto ‘The Filipino Flash’ DoÂnaire, Jr.
At siya rin ang tuluyan nang sisira sa dating unified world super bantamweight champion.
“Since years ago, I lost to Nonito Donaire. No one knew about him at that time. I made DoÂnaire, and I will break him. You will see,†wika ni Darchinyan sa kanilang press conference kahapon sa The American Bank CenÂter sa Corpus Christi, TeÂxas.
Muling maglalaban ang 30-anyos na si DoÂnaire at ang 37-anyos na si DarÂchinyan sa isang non-title featherweight fight sa NobÂyembre 9 sa naturang veÂnue.
Pinatulog ni Donaire si Darchinyan sa fifth round para agawin sa huli ang mga bitbit nitong International Boxing Federation at International Boxing OrÂganization flyweight belts noong Hulyo ng 2007.
At matapos ito ay sunud-sunod na panalo ang ipiÂnoste ng tubong Talibon, Bohol na si Donaire.
Ayon kay Darchinyan, ito na ang pagkakataong matagal na niyang hiÂniÂhintay para makaganti kay DoÂnaire.
“This is a very imporÂtant fight for me. It gives me the opportunity to face and defeat an oppoÂnent who beat me in the past. This win will be sweet reÂvenge for me,†wika ni DarÂchinyan (39-5-1, 28 KOs).
Inaasahan din ni DoÂnaire (31-2-0, 20 KOs) na mas magiging palaban ang Armenian fighter sa kaÂnilang rematch.
“Just this fight alone, there’s already a lot of tension, as you know. ‘I will make him, I’ll break him?’ That’s from Darchinyan,†ani Donaire. “I expected as much from Darchinyan. I thought that age would subside a little bit of his issues, but appaÂrently not, which is why I say that this fight is going to be an incredible fight.â€
“I’ve taken everything away from him. Everything that he has worked for all of his life,†dagdag pa nito.
Ito ang unang laban ni DoÂnaire sa featherweight diÂÂvision matapos maghari sa flyweight, bantamweight at super bantamweight classes.
MagkaÂkasunod na biÂnigo ni Donaire sina WilÂfreÂdo, Vasquez, Jr., Jeffrey Mathebula, Toshiaki NiÂshioka at Jorge Arce.
Sa naturang taon ay hiÂnirang siya bilang 2012 BoÂÂxer of the Year.
Noong Abril 13 nitong taon ay isang unanimous decision loss ang naÂÂtikman ni Donaire kay GuilÂlermo RiÂgondeaux ng Cuba sa kanilang uniÂfiÂcation super bantamweight fight noong Abril 13 sa New York City.